Ang mga nakakahawang impeksyon sa pakikipagtalik (mga STI) ay mga impeksyon na naipapasa ng isang tao sa isa pang tao sa pamamagitan ng sekswal na pakikipag-ugnayan.
Ang sekswal na pakikipag-ugnayan ay nangangahulugang:
Ang mga pinakakaraniwang STI ay:
Alamin pa ang tungkol sa mga STI (Find out more about STIs)
Maaari kang makakuha ng STI sa pamamagitan ng pakikipagtalik nang hindi gumagamit ng condom.
Mas malamang kang magkaroon ng STI kung nakipagtalik ka nang hindi gumagamit ng condom sa:
Mas mataas rin ang panganib sa mga STI ng mga lalaki na nagsagawa ng anal sex nang nang hindi gumagamit ng condom sa iba pang lalaki.
Walang anumang senyales o sintomas ang ilang STI, kaya maaari kang magkaroon ng STI nang hindi mo alam. Nangangahulugan ito na maipapasa mo ang STI sa isang sekswal na kapareha at hayaan din silang magkasakit.
Nagpapakita ng sintomas ang ilang STI sa paligid ng iyong mga ari. Ang mga ari ay:
Kabilang sa mga sintomas na ito ang:
Gaano kalala ang mga sintomas ko? (How urgent are my symptoms?)
Pagsasagawa ng pagsusuri sa STI ang tanging paraan para malaman kung mayroon kang STI:
Sasabihin sa iyo ng doktor mo kung anong pagsusuri ang dapat mong isagawa. Tatagal ng 1 hanggang 2 linggo para makuha ang mga resulta ng pagsusuri.
Saan ako pwedeng magpasuri? (Where can I be tested?)
Dapat kang magpasuri sa STI kung:
Ano ang mga kailangan kong pagsusuri? (What tests do I need?)
Gaano kalala ang mga sintomas ko? (How urgent are my symptoms?)
Ang isang ‘positibong’ resulta ay nangangagulugang mayroon kang STI. Bibigyan ka ng gamot ng iyong doktor para gamutin ang STI.
Magagamot at gumagaling ang karamihan sa mga STI na sanhi ng bakterya. Nangangahulugan ito na kapag natapos na ang iyong gamutan, mawawala na sa katawan mo ang impeksyon at hindi na maipapasa sa isang sekswal na kapareha.
Magagamot ngunit hindi gagaling ang ilang STI na sanhi ng virus. Nangangahulugan ito na kapag tapos ka na sa gamutan, wala na ang mga pisikal na sintomas ng virus, ngunit mananatili ang virus sa iyong katawan at maipapasa pa sa isang sekswal na kapareha.
Dapat mong sabihin sa iyong mga sekswal na kapareha kung mayroon kang STI, upang makapunta sila sa kanilang doktor para magpasuri.
Kung hindi nasuri o hindi uminom ng gamot sa STI ang iyong mga sekswal na kapareha, kailangan mong panatilihing sa inyo lang maililipat ang STI.
Hindi mo ito kailangang sabihin sa iyong:
Maaaring mahirap makipag-usap sa iyong mga kapareha tungkol sa mga STI, ngunit puwede kang gumamit ng online na sanggunian na tinatawag na Ipaalam sa Kanila para tulungan kang alinman sa masabi mo sa iyong sekswal na kapareha o nang hindi nagpapakilala tungkol sa ilang mga STI.
Maaari ka ring magtanong sa iyong doktor kung matutulungan ka nila. Nagbibigay ng impormasyon ang Ipaalam sa Kanila para tulungan ang mga doktor na matulungan ka.
Kailangan mong makipagkita sa iyong soktor para magsagawa ng regular na mga pagsusuri sa STI para matiyak na nananatili kang walang STI.
Madaling magamot ang karamihan sa mga STI gamit ang gamot tulad ng mga antibiotic. Pagkatapos ng gamutan, hindi mo na maipapasa ang STI sa kahit kanino pa.
Magagamot ngunit hindi gagaling ang ilang STI gamit ang gamot. Makakatulong ang gamot na kontrolin ang STI sa iyong katawan at tulungang pigilan ang mga sintomas. Kakailanganin mong pamahalaan ang STI at ang iyong sekswal na pakikipag-ugnayan. Matatalakay sa iyo ng iyong doktor kung paano ito gawin.
Kung hindi nagamot ang mga STI, puwede kang magkaroon ng mga pangmatagalang problema sa kalusugan tulad ng pagkabaog at patuloy mong maipapasa ang STI sa iyong mga sekswal na kapareha.
Palaging gumamit ng condom kapag nakikipagtalik
Kung magkaroon ka ng STI, huwag munang makipagtalik hanggang nakapagpasuri ka na at ang iyong mga sekswal na kapareha sa isang doktor at nakatapos ng gamutan sa STI.
Ang pinakamagandang paraan para iwasang magkaroon ng STI ay gumamit ng condom sa tuwing nakikipagtalik. Kailangan mo ring:
Matuto kung paano makipag-usap sa iyong mga kapareha tungkol sa kalusugang sekswal.
Maging bukas sa iyong mga sekswal na kapareha tungkol sa iyong sekswal na nakaraan at kalusugan. Walang masamang itanong sa kanila kung nagkaroon sila ng STI o nagpasuri kamakailan.